Totoong Pangako Tungo sa Pagbabago: Barangay Development Programs (BDP) ng NTF-ELCAC pormal na inilunsad sa SurNor

Gigaquit, Surigao del Norte- Limang Barangay ng probinsiya ng Surigao del Norte ang mabibigyan ng opurtunidad upang suportahan ang ninanais na kaunlaran sa pamamagitan ng inilunsad ng Provincial Task Force-End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC na Local Government Support Fund para suportahan ang Barangay Development Program o SBDP Barangay Projects.

Ang mga barangay na unang makakatanggap o magiging benepisyaryo ng nasabing programa ay ang mga barangay ng Dugsangon at Camboayon na parehong sakop ng bayan ng Bacuag, ang Barangay Mahanub, Lahi at Camam-onan na sakop ng bayan ng Gigaquit. Ang mga nasabing barangay din ay nadeklarang “cleared” mula sa presensya ng mga Communist Terrorist Groups o CTG.

Kung kaya ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Norte sa pagnanais nitong mapabuti at mapalakas ang partisipasyon ng buong katauhan upang makamit ang tinatawag na Whole of Nation Approach na naglalayon buwagin na ang kaguluhan na hatid ng terorismo ay nagsagawa ng PTF-ELCAC Symbolic Launching nitong ika-29 ng Hunyo 2021 na ginanap sa tanggapan ng Provincial Governor sa Kapitolyo ng Surigao del Norte at para na din sa pagbibigay ng Local Government Support Fund para matugunan ang mga proyekto sa ilalim ng Barangay Development Program.

At isa sa mga pangunahing ng ginawang paglulunsad ay ang paggawad ng twenty million pesos (₱20,000,000.00) sa mga kapitang ng limang barangay bilang suporta sa kanilang mga proyekto at mapadali ang pag-unlad at pagbangon ng mga komunidad sa mga naturang barangay. Sa kabuoan, may apat na put siyam (49) na mga barangay sa probinsya ng Surigao del Norte ang napagkalooban ng 20 million pesos para sa mga development projects sa pamamagitan ng Barangay Development Programs ng NTF-ELCAC.

Ayon sa talumpati ni Governor Francisco Lalo Matugas ng Surigao del Norte kanyang inihayag na malaking tulong ang pinatupad na programang ito ng pamahalaan upang sa pagpapaunlad ng kanilang mga barangay “Malaki ang aking pasasalamat sa National Government lalo na kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang mga pangako na nararamdaman natin na kanyang tinutupad upang wakasan na ang kaguluhan dala ng terorismo sa ating lalawigan. Hindi lamang limang barangay ang makakatanggap ng suporta mula sa LGSF kundi may apat na put siyam tayong barangay ang makikinabangvpara sa suporta sa mga proyekto na nakapaloob sa BDP. Nawa’y ang pondo na ito ay magsilbing panimula ngbisang barangay tungo sa pag-unlad at pagbabago. Hindi dito nagtatapos ang ating layunin na tapusin ang insurhensiya sa kada barangay kundi marami pang programa ang naghihintay para sa kanila”.

Magkakaroon ng mga ground breaking ceremonies sa susunod na mga buwan na gaganapin sa mga nasabing recipient barangays sa buong probinsya ng Surigao del Norte.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din nina Brigadier General George L Banzon ang pinuno ang 901st Brigade, Lt Col Ryan Charles ang pinuno ng 30th Infantry Battalion, SDN Provincial Police Office, Hon. Julito P Go ng Brgy Mahanub, Hon. Romualdo M Moreno ng Brgy Dugsangon, Hon Jevelyn D Abad ng Brgy Camboayon, Hon. Indayflor B Bangga ng Brgy Camam-onan at Hon. Carmen D. Peruda Ng Brgy Lahi.

Leave a Reply