Isa Pang Engkwentro sa Pagitan ng Militar at NPA sa Surigao del Norte Sumiklab Kamakailan Lamang

Gigaquit, Surigao del Norte – Isang araw pagkatapos ng sagupaan ng kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army laban sa mga teroristang grupo ng New People’s Army ay muling nasundan ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo sa bulubundukin muli na bahagi ng Sitio Pan-ukan, Brgy Camboayon, Bacuag, Surigao del Norte araw ng Martes, ika-13 ng Hulyo 2021.

Matatandaan nitong lunes lamang ng ika-12 ng Hulyo 2021 ng hapon ay nakasagupa ng tropa ng 30IB ang teroristang grupo na pinamumunuan ni Alberto Castañeda alyas JD, pinuno ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda 16C2 ng Guerilla Front16 ng NorthEastern Mindanao Regional Committee. Kung kaya pagkatapos ng sagupaan nitong lunes ay nagpatuloy ang kasundaluhan ng 30IB sa kanilang operasyon para tugisin ang mga tumakas na iba pang miyembro ng NPA. Bandang alas 9 ng umaga sa araw na iyon nakasagupa muli ng mga tropa ng pamahalaan ang hindi bababa sa katorseng (14) armado na pinamumunuan din ni Alberto Castañeda. Ang nasabing engkwentro ay nangyari din sa parehong sitio kung saan isangdaan at limampung metrong (150meters) layo lamang sa pinangyarihan ng sagupaan nitong lunes at tumagal ng kinse (15) minutos.

Muli din nakarekober ang mga tropa ng gobyerno sa natuntun nilang kota na pinagtataguan ng mga terorista ang ibat-ibang kagamitan tulad ng limampu (50) Metro ng electrical wire, dalawang (2) piraso ng Cellphones (smartphone vivo android at keypad), ibat-ibang klase ng gamot, isang (1) piraso ng Dextrose, ibat-ibang ID, pagkain, dalawang (2) piraso ng jungle hammock, anim (6) na pirasong Backpacks na may kasamang kagamitan na pansarili, pansamantalang mga higaan na para sa labing-pito na katao, at ibat-ibang subersibong dokumento na naglalaman ng kanilang mga gawain at planong pangterorismo.

Ayon sa pahayag ni LtCol Ryan Charles G Callanta ang pinuno ng 30IB, “Sa sunod – sunod na pagkakataong nasasgupa ng militar ang teroristang grupo, nagpapakita lamang ito na ayaw na ng komunidad na mamuhay sa pang aapi at pagdurusa na hatid ng mga NPA. Kung kaya kami ay labis na nagpapasalamat sa mga impormasyon na kanilang binibigay sa aming himpilan upang mahuli, matunton o di kaya ay ma neutralisa ang mga terrorista bago pa makapag hasik ng kasamaan. Sa kabila nito, kami ay patuloy na nananawagan sa mga aktibo pang miyembro ng NPA na bumaba na, sumuko at pakinabangan ang programa ng gobyerno sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o (E-CLIP) na siyang magbibigay ng daan para sa bagong panimula nila habang hindi pa huli ang lahat”.

Leave a Reply