Kumander ng NPA, Huli sa Pinagsamang Operasyon ng mga Militar At mga Pulis sa Agusan del Sur

Gigaquit, Surigao del Norte – Isang kilalang kumander ng teroristang grupo ng mga New People’s Army o NPA ang nahuli sa pinagsamang operasyon ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army at kapulisan mula sa Bayugan, Police Regional-13 nitong ika-14 ng Nobyembre 2021 sa Brgy. Bedcor, Bayugan, Agusan del Sur.

Nangyari ang pinagsamang operasyon pagkatapos makatanggap ng ulat ang himpilan ng 30IB mula sa isang sibilyan tungkol sa presensya ng isang miyembro ng NPA sa kanilang komunidad. Kung kaya kaagad nakipagtulungan ang 30IB sa kapulisan ng Bayugan upang kumpirmahin ang nasabing ulat. Pagkatapos nga makumpirma ito ay agad din nagsagawa ng operasyon upang madakip ang nasabing NPA at ito ay nagbunga ng pagkakadakip sa isang Kumander ng NPA sa tulong na din nang inilabas na Warrant of Arrest ng kapulisan.

Ang nasabing kumander ay kinilala bilang si Gelan Ybanez alias WENG na namumuno sa Sandatahang Yunit Pampropaganda Platoon16B (SYP16B) ng Guerilla Front 16 (GF16), North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na kumikilos at patuloy na nananakot sa mga komunidad sa Surigao del Norte. Kasama sa kanyang pagkadakip ay ang kanyang pagmamay-ari na isang (1) kalibre .45 na baril at isang (1) Granada. Si Alias Weng ay nadakip sa tulong ng Warrant of Arrest (WOA) na nagsasaad ng ibat-ibang kaso katulad ng pagpaslang sa mga sibilyan at mga inosenteng mamamayan ng Surigao del Norte. Si Alias Weng din ang nasa likod sa mga panununog sa mga Heavy Equipments ng mga kompanya sa Brgy Binucaran at pagnakaw sa pangkabuhayan ng Buswan Fishpond sa Brgy Pili, Malimono, Surigao del Norte dahil sa kanyang utos na sirain ang mga Fishpond dahilan ng pagkawala ng libo-libong mga isda. Siya din ang utak ng mga pananambang at nag-uutos na magsagawa ng checkpoints sa bayan ng Sison at San Francisco upang takutin at gimbalin ang mga mamamayan na ayaw ng maniwala at sumuporta sa kanilang mga kasinungalingan at mapaglinlang na mga propaganda.

Sa pahayag ni LtCol Ryan Charles G Callanta, pinuno ng 30IB, “Una sa lahat nais kong pasalamatan ang ating mamamayan sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating pamahalaan upang tuluyang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay at katahimikan ang kanilang lugar. Indikasyon lamang ito na ayaw na talaga ng mga tao ang presensya ng mga armadong NPA sa kanilang lugar. Kung kaya patuloy din tayo sa paglunsad ng masinsinang operasyon para tuluyan nang mawala at masugpo itong mga Armadong Terorista sa Surigao del Norte. Kailan man hindi pwedeng habambuhay matakasan ng mga teroristang NPA ang kamay ng batas.”

“Hinihikayat ko ang mga natitira pang mga lider at mga miyembro ng NPA na sumuko na at ibaba ang inyong armas para makasama pa ninyo ang inyong pamilya at matamasa ang benepisyo ng E-CLIP mula sa gobyerno sa nalalapit na kapaskuhan” dagdag niya.

Leave a Reply