Mga Bagong Angat sa Antas ng 30IB, Kinilala

Gigaquit, Surigao del Norte- Ginawaran ng pagkilala para sa bagong antas ang mga Opisyales at kawani ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army na ginanap sa himpilan nito sa Brgy Mahanub, Gigaquit, Surigao del Norte nitong ika-14 ng Pebrero 2022.

Kasabay ng pag-gunita ng araw ng mga puso, nagsagawa ng pormal na pagpuputong ng sunod na antas ng ranggo para sa karapat dapat na opisyales at kawani ng 30IB. Ginanap ito kasabay ng pagpupugay sa watawat ng Pilipinas na dinaluhan ng mga kasundaluhan ng 30IB sa pamumuno ni Lt Col Ryan Charles G Callanta.

Ang pag angat sa bagong antas ay isa sa pinakamahalagang pangyayari para sa isang sundalo dahil ito ay nagsisimbolo ng sakripisyo, katapatan sa tungkulin at magandang reputasyon at ito din ay isang opurtunidad na may kaagapay na hamon ng bagong responsibilidad para sa kasundaluhan.

Sa pahayag ni Lt Callanta, inihayag niya ang kanyang pagbati para sa mga kasundaluhan na kinilala “Ang sabi nga sa isang palabas,”With Great power comes great responsibility”, sa pag-angat natin sa isa pang rango nawa’y mas maging responsable tayo sa ating kilos at sa ating trabaho. Mas galingan at mas husayan pa natin hindi lamang para sa ating organisasyon kundi para makamit natin ang ating hinahangad na pangmatagalang kapayapaan para sa ating minamahal na bansang Pilipinas”.

Comments are closed.