“Pagod at Gutom na NPA, Sumuko sa 30IB”

Gigaquit, Surigao del Norte – Sumuko sa kasundaluhan sa 30IB ang isang miyembro ng teroristang grupo ng New People’s Army o NPA sa himpilan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army nitong ika-1 ng Marso 2022.

Si A.k.a. Rustom, miyembro ng Sandatahang Yunit Pang propaganda 16C Guerrilla Front 16 ay bulontaryong sumuko dahil sa pagod, uhaw at gutom na kanyang dinanas sa kilusan, lalo pa’t puspusan ang operasyon ng mga kasundaluhan ng 30IB, Kung kaya noong siyay makakita ng pagkakataong makatakas sa kanyang mga kasamahan buong loob siyang nagpasya na tumiwalag na sa makakaliwang grupo na pinagsilbihan niya ng mahabang panahon.

“Kalisod sa among kahimtang sa kabukiran labi na kung naay operasyon ang mga sundalo. Wala me tarong na kaon, walay tarong nga tulog, ug walay kahapsay ang akong panghunahuna kay bisan unsang orasa pwede kami maabtan sa mga sundalo, mao nga nangurso gyud ko sa pagsurender, aron pud makauban naku ang akong pamilya.” Ayon kay A.k.a. Rustom

Sa pahayag ni Lt Col Ryan Charles G Callanta, Commander 30IB, “nagpapasalamat ako sa naging desisyon ni ‘Aka. Rustom’ na nagbabalik-loob sa pamahalaan.” “ Patuloy kaming nananawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na nasa kabundukan na tulad ni “A.k.a. Rustom” na sumuko na bago pa mahuli ang lahat. Ganun din sa mga pamilya ng aktibong miyembro ng NPA na sana gumawa ng paraan upang hikayatin ang kanilang kaanak na magbalik- loob sa gobyerno. Ang pamahalaan ay handang tumulong upang magkaroon ng mapayapa at matiwasay na pamumuhay kasama ang inyong mga mahal sa buhay sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)”.

Comments are closed.