“Siyam na miyembro ng NPA, sumuko sa Surigao del Norte kasunod ng pagsuko ng kanilang Labing-anim (16) na baril sa militar”

Gigaquit, Surigao del Norte – Pagod, gutom at pangungulila sa pamilya ang naging dahilan ng siyam (9) na miyembro ng New People’s Army o NPA upang magbalik-loob sa pamahalaan at isuko sa kasundaluhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army ang labing-anim (16) na ibat-ibang klase ng baril nitong ika-12 ng Agosto 2022.

Sa pagnanais na makasama muli ang kanilang mga pamilya at mamuhay muli ng mapayapa, nakipag ugnayan sa himpilan ng 30IB sa pamumuno ni Lt. Col. Jerold H Jale ang siyam na miyembro ng NPA na kinilala bilang sina alyas MARMAR na isang Squad Leader, alyas NIZEL/JIMJIM na isang Political Guide at Medic ng grupo, alyas JEMREX at alyas DEGARD na pawang Vice Team Leader ng skwad, at sina alyas DIANE, alyas JOREDEN at si alyas CYREL bilang mga miyembro ng skwad. Napag alaman na ang pitong miyembro ay kabilang sa iisang pulutong ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda 16B (SYP16B), Guerilla Front 16 (GF16) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC). Sumuko din sa himpilan ang dalawang miyembro ng Sentro Degrabidad (SDG) ng NEMRC na sina alyas LARRY na isang Ordnance Staff at si alyas Fox na isang elementong miyembro ng grupo kung saan isinuko nila ang kanilang mga armas na dalawang (2) AK47 Rifle.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng 30IB sa mga dating miyembro ng NPA pagkatapos nilang magbalik-loob, kanila din isinuko ang iba pang mga armas katulad ng isang (1) M14 Rifle, tatlong (3) AK47 Rifle na may kasamang sampung (10) magazine, tatlong (3) M16 Rifle na may kasamang sampung (10) magazine na mahahaba at pitong (7) maiiksing magazine, tatlong (3) M4 Rifle, dalawang (2) M203 Grenade Launcher, isang (1) Cal.22 Carbine at isang (1) Pistol Grand Master at apat (4) na Bandolier.

Sa pakikipag-usap ni Lt. Col. Jerold H Jale sa mga dating miyembro ng NPA, kanilang isiniwalat na ang dahilan kung bakit nila piniling sumuko at tanggapin ang tulong na binibigay ng pamahalaan ay dahil wala ng silang makain at matinding hirap at pagod ang kanilang nararanasan bunga ng sunod-sunod na operasyon sa military. “Sa kadugayan sa among pakig bisog ug pakig gubat among namat-ungan nga walay padulngan ug amua rang gisilutan among kaugalingon” pahayag ni Alyas MARMAR.

“Ang nangyaring pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng NPA ay isa lamang ito sa bunga ng Ending Local Communist Armed Conflict o mas kilala sa tawag na ELCAC at dahil din sa patuloy na pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga komunidad, nawalan na sila ng suporta at masa lalo na sa mga lugar na ginagalawan ng grupong SYP16B ng NPA. Sa ngayon ang inyong kasundaluhan sa 30IB ay patuloy na ginagampanan ang tungkulin nito upang tuluyan na natin makamit ang kapayapaan sa buong probinsiya ng Surigao del Norte. Ganun pa man, patuloy naming hinihikayat ang mga natitira pang miyembro ng NPA na bumalik na at dinggin ang panawagan ng kanilang pamilya at tanggapin ang tulong na binibigay ng gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP” pahayag ni Lt. Col. Jale.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang Custodial Debriefing sa siyam na nagbalik loob upang maproseso ang kanilang ECLIP at magamit para sa kanilang pagsisimula muli.

Leave a Reply