Basic Life Support Training upang palagoin ang karunungan ng kasundalohan

PANOORIN | Basic Life Support Training upang palagoin ang karunungan ng kasundalohan

Ang 4th Infantry (Diamond) Division, sa pamamagitan ng Assistant Chief of Staff for Training Education, OG8, at koordinasyon sa Office of Civil Defense Region-10 (OCD-10), ay nagsagawa ng limang (5) araw na Basic Life Support Training sa Headquarters ng 4ID sa Camp Evangelista, Patag, Cagayan de Oro City noong Mayo 1-5, 2023. Ang nasabing pagsasanay ay naglalayon na mabigyan ang mga sundalo ng mga pangunahing skills at kasanayan upang may kaalaman na tumugon sa mga kalamidad at mapanganib na sitwasyon. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mahahalagang pamamaraang medikal, ang mga kalahok ay nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng mga bagong kasanayan at pamamaraan sa pag sagip ng buhay.

#AFPyoucanTRUST #PhilippineArmy #KapayapaanParaSaLahat #ServingthePeopleSecuringtheLand #TeamDiamond #4IDAtongArmy

Leave a Reply