Panibagong engkwentro sa Bukidnon at Surigao del Sur, 4 na baril na nakuha ng mga tropa sa 4ID

PANOORIN | Panibagong engkwentro sa Bukidnon at Surigao del Sur, 4 na baril na nakuha ng mga tropa sa 4ID

Maituturing isang malaking tagumpay na naman ang naisagawa ng 4ID sa pagkasamsam ng apat na baril at iba't ibang kagamitan ng mga CPP-NPA Terrorists (CNTs) matapos ang dalawang magka-hiwalay na engkwentro sa lalawigan ng Bukidnon at Surigao del Sur noong Abril a-trenta at Mayo a-dos. Nakuha ng tropa ng 1st Special Forces Battalion ang tatlong (3) M16 Rifles, magazine at ammunitions, backpacks, medical kits, at iba't ibang personal na gamit matapos ang dalawamput-limang minutong bakbakan laban sa tinatayang tatlumpo't armadong miyembro ng Platun Ipad at Platun Huawei ng Sub-Regional Committee 5 ng North Central Mindanao Regional Committee sa Sitio Cambangon, Barangay Lilingayon, Valencia City, Bukidnon.

#AFPyoucanTRUST #PhilippineArmy #KapayapaanParaSaLahat #ServingthePeopleSecuringtheLand #TeamDiamond #4IDAtongArmy

Leave a Reply